BUKID AY BASA (Part 14)
Ang buhay ay hindi natin hawak. Isinilang tayo ng hindi natin kagustuhan. Bahagi lamang tayo ng proseso ng pag-usbong ng buhay dito sa sandaigdigan. Bilang bahagi ay wala tayong karapatang mag-reklamo. Wala tayong karapatang usigin ang nagbigay sa atin ng buhay.
Ang magagawa lang natin ay itimon ang ating buhay sa direksyon na naa-ayon sa ating kagustuhan. Subalit maging sa pagtimon, nanaig ang kalikasan na nasa ating katawan upang hindi rin masunod ang ating mga gustong mangyari. Minsan pa, sa paghahangad nating manaig ang ating kagustuhan laban sa lakas ng kalikasan ay may kapalit itong higit na makirot na pangyayari na iindahin natin habang-buhay.
Napapayag ko si Adel na dumalo kami sa birthday ng kambal ni Lissa at makisaya na rin sa pa-despedida nya. Bago kasi iyon ay may tinanggap akong email mula kay Liz. Halos ay limang taon na rin ang lumipas mula ng umalis siya sa Plipinas matapos ang kanyang pag-aaral dito.
“Just to tell you Greg that your seed is now grown up. He’s so much like you in character and intelligence. But his features were mine. I am attaching his picture…and dreaming we could see each other in person one of these days. Mahal kita Greg,,,” sabi ng email ni Liz.
Nakatataba ng puso. At nahilam ang mga mata ko ng mapagmasdan ko ang picture ng aming anak na naka-attached sa email. Nag-download ako ng larawan ni Christopher Ray sa aking laptop. Isinama ko ito sa larawan ng bunso kong si Gtegory Alfred.
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.