BAWAL (PARAUSAN Part 19)

PES Certified Hit

Torn between two loves si Andres mula ng makilala nya sa Dammam si Nurena. Nagkita sila sa Riyadh. Naganap sa kanila ang nagaganap sa dalawang nag-iibigan kahit pa ito ay bawal...

..


Nakatalungko si Andres sa harap ng Baladiya. Ito yung public works compound sa Dammam. Nasa gitna ito ng disyerto at dito nakatira ang mga nagtatrabaho sa maintenance ng mga kalsada sa kabuuan ng Dammam. 
Binabasa nya ang dalawang texts. Isang texts galing kay Vina at isang texts galing kay Nurena. Mabilis nyang binasa ang texts galing kay Vina. May kasama itong maikling video. Kinunan nito ng video ang ginagawa nitong pagpapaligaya sa sarili. 
Napabuntung-hininga si Andres. Dama nya ang kahungkagan. Ang pangungulila sa asawa. Binura nya ang video. Nasa labas siya. Baka kung anong mangyari ay maging mitsa pa ang video ni Vina sa ikapapahamak nya dito sa Saudi. Natatakot na nga siya sa ginagawa nila ni Mario na mga alak. Mahigpit ang mga mottawa sa Riyadh. Alam nyang gayon din dito sa Damman.
Binasa nya ang text ni Nurena. Nagitla siya. Humihingi ito ng tulong.
“Nakakulong si Zakur. May nakitang bangkay na pinugutan at itinapon sa opisina ng kumpanya na pinagtatrabahuan nito. Lahat ng trabahador sa Limousine Company ay inimbitahan ng mga pulis. Si Zakur lang ang ikinulong.” Sabi ni Nurena sa text.
“Pauwi na ako sa Riyadh,” text nya kay Nurena.
“Maa-ayos din yan, sa tingin ko hindi magagawa ng asawa mo ang krimen na yan,” text nya kay Nurena.
“Salamat sa paniniwala mo,” text naman ni Nurena. 
“Mamayang gabi pwede mo ba akong tawagan?” tanong ni Nurena sa text.
“Sige pag nasa Riyadh na ako.” Text nya naman.
Napa-buntung-hininga uli si Andres. Nagkakaroon ng bagong kulay ang mundo nya sa pagdating sa buhay nya ni Nurena, Nakadarama siya ng hindi nya maipaliwanag na saya kapag magka-text sila ni Nurena. Parang nawawala ang homesick nya.
...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow